“And love, is not the easy thing. The only baggage you can bring is all that you can’t leave behind” — from the song Walk On performed by U2

Noong isang taon itinigil ko ang pagyoyosi. Ang mahal kaya ng Marlboro Mediums at tsaka may government warning: Bugarette smoking is dangerous to your health. But then again, may naniniwala pa ba sa gobyerno?

Noong isang taon itinigil ko ang pag-inom hanggang malasing. Sabi kasi ng aking cardiologist bawal sa isang hypertensive na gaya ko ang Strong Ice. Kaya San Mig Light na lang muna. :p

Noong isang taon itinigil ko ang paggamit ng cellphone. No more booty calls. No more phone sex. Buti na lang malakas siya mag-vibrate.

Noong isang taon itinigil ko ang pagpapa-parlor. Every two weeks bumibisita ako sa Reyes Hair Cutters… para mang-gupit.

Noong isang taon itinigil ko ang paglalagay ng mamahaling hair product. Buti na lang Shooter ako at hindi Dribbler? May maka-gets kaya netu?

Noong isang taon itinigil ko ang starbucks. Mayroon na kasi sa aming local cafe. Sa halagang P25, maliligo ka sa kape, or whipped-cream. OR get whipped and/or get creamed.

Noong isang taon itinigil ko ang pakikipagkita sa mga badet kong kaibigan. Mga echosera kasi sila. Char! Huli ko sila nakita sa Araneta pagkatapos manood ng concert ng Incubus. Nakakalokah, muntik pa akong ma-out sa apat kong shufated.

Noong isang taon itinigil ko ang pakikipag-date. Nakakapagod. Nakakasawa. Nakakainis.

Noong isang taon itinigil ko ang pakikipag-sex. Nakakapagod. Nakakasawa. Nakakainis take 2. Total anal eclipse itu.

Noong isang taon itinigil ko ang pag-iisip tungkol sa kaniya. Nakakapagod. Nakakasawa. Nakakainis take 3. Nakakaawa. Ako.

Marami akong bagay na kayang patigilin. Mga bagay na madaling isantabi. Mga bagay na madaling limutin. Mga bagay na kaya kong bitiwan. Mga bagay na kaya kong palitan. Mga bagay na hindi ko ikamamatay mawala man.

Sa listahang nabanggit, yung pinakahuli ang mahirap. Mahirap patigilin ang utak na hapung-hapo na sa paglilibing ng mga ala-alang madaling hukayin. Pangatlong birthday ko na to simula nung umalis siya at ang totoo hindi na ako tumanda simula noon, hindi na nagtanda.

Ngayung 25 na ako, a quarter of a century egg-old, ay malamang simulan ko ulit alalahanin ang naunang siyam. Baka kasi sakaling makatulong sa pagsasakatuparan ng ika-sampu.

Ang emote dabah?!? :) Ahahahahaha!

Anyhoo, kilala niyo ba yung tinutukoy ko?

Ikuwento ko na lang ng buong-buo pag pwede ng tawanan ang mga bagay na madudugo.

Sa ngayon, ipagdiwang natin ang aking kaarawan. Naks! As if may pera pa akong panghanda? Bukas pa balik ko sa maynila from my bonggang-bonggang ten-day vacay.

So kung magbibigay kayo ng regalo o donasyon, open-arms at open-legs ako. Ayoko nung natanggap ko nung isang taon ha, gaya nung stuffed-toy na may pututoy (anatomically correct talaga!) at yung paperweight na hugis titi. Useless pareho kasi masyado maliit yung stuffed-toy at masyado matigas yung paperweight. Buwahahaha!


Kalabaw-shit birthday cake, anyone?

Ilang linggo na ang nakalilipas ng mamulat ang pamilya sa isang bakanteng hilera ng dingding sa living room. Nagtanong ang nanay ko, “Nasaan?”, nang magitla sa nilalaman ng espasyo, ang totoo walang laman pero maraming sinasabi. “Nasa kwarto” sagot ko. Kinagabihan, pag-uwi ng tatay ko mula sa trabaho, “Ikaw ba nagtanggal niyan?” sabay turo sa dingding na naghuhumiyaw sa katahimikan. “Oo, nakaka-asar kasi eh”, sagot ko.

Pasintabi na lamang po kay Ginoong Bob Ong at sa mga Kabobo.

| | | | | | | | | |

Uno Dos Tres

Nung pumapasok pa ako sa Mapua may mga bagay na hindi ko lubusang maintindihan, ang totoo hindi ko maintindihan kung bakit ako pumasok ng Mapua, hindi ko naman pala talaga gustong maging Inhinyero.

Paborito kong subject ay English simula pa noong Elementary nagkataon lang na magaling din ako sa Math. Pero hardcore talaga English nung college. May naging instructor ako noong freshman na kahawig ni Nanette Inventor na mas bansot also try imagining Dolores Umbridge, book description. Nanghingi ng opinion galing sa aming mga estudyante tungkol sa subject namin, sa kaniya, at sa estilo ng kaniyang pagtuturo, isulat daw namin sa papel, huwag na daw lagyan ng pangalan maging honest na lang. Yung iba isinulat ang pangalan, at pinuri-puri nang walang humpay yung instructor, mababakas mo naman sa mga ngiti niya na super-fishing lang ang ginagawa niya, pampahimas-ego. Sinulat ko:

“As soon as you come in, you make a beeline for the table, sit behind it, give out instructions to your students to die trying to comprehend the chapter you told us to read the day before as if your first name’s Adolf, an oral essay of torture. Not all of your students love the subject but we’re all here to learn something from you. You’re being paid to share your knowledge to us and not just to tell us what would be the next chapter to read or tell us that we didn’t understand anything that you teach. But the thing is you don’t really teach us anything, you just sit there, waiting for your next meal of a student, trying to embarrass him or her with your delusions of superiority.”

Mahaba pa yung sinulat ko, hindi ko na maalala. Nang mabasa niya ito eh biglang nag-iba yung aura niya, parang naging Super Saiyan or Majimbo. Sa tatlumpung estudyante, lima ang nangahas na magsabi ng totoo. At gaya ni Lozada, lalong naging impiyerno ang buhay namin. Pagkatapos ng isang linggo ay sinabi ko na sa instructor namin na ako ang sumulat, kasi nanghuhula na siya kung sino, kawawa naman yung pinagbibintangan, nag-utos pa siya sa isang estudyante na pumuri sa kaniya na ikumpara yung mga hand-writing para ma-pin-point ang salarin, nakakatawa talaga. Hindi niya inaakalang yung lima sa pinakamagagaling niyang estudyante, yung nakaka-perfect ng exams at nakakapagsulat ng matinong essay ang sasalungat sa kaniya. Hindi na niya nabanggit ang tungkol doon pagkatapos niyang malaman ang lahat.

Pero badtrip ako sa kaniya 1.75 ang bigay niya sa aking grado imbes sa inaasahan kong malutong na 1.0.

Sophomore year, English 3, Technical Writing. Mukhang masisiyahan ako sa subject na ito, hanggang sa pumasok yung Instructor. Galing daw siya sa isa pang unibersidad, isang unibersidad sa may bandang likod ng SM City Manila. Taena, na-damage ang brains ko sa mali-maling bubuli-english, ito na marahil ang “First Day Punk’d”. To cap the first meeting off, nang tumunog ang bell sabi niya, “OK class, you may pass out“. I think I’m gonna faint. Magsimula noon pumapasok na lang ako para magpa-check ng attendance, hindi na nga ako nagpasa ng Feasibility Study para sa final project. Umasa na lang na ibagsak niya ako para makuha ko ulit yung subject na iyon next sem. Binigyan niya ako ng 3.0.

Sandali bakit college agad ang pinag-uusapan natin? Simulan sa umpisa. Roll VTR…

| | | | | | | | | |

Amphibious Education

Nagtapos ako sa isang mababang paaralan sa Taytay, sa sobrang baba niya lumulubog siya sa tubig-baha tuwing tag-ulan na lubos ko namang ikinatutuwa kasama ng aking mga kaklase, hindi dahil sa walang pasok kundi nakakapasok kami ng naka-wakeboard. Bago pa man pumatok sa Camarines Sur ang sport na ito ay matagal na namin itong libangan. Nakasakay sa isang piraso ng makapal at matigas na styro (yung nakukuha sa loob ng kahon ng bagong biling telebisyon o kaya ng pridyider) at hila-hila ng trak ng basurang humahati sa kulay macchiatong tubig, kalakip ang mga hiyaw ng “Kowabunga” at “Asim Dude” pag nakakainom ng tubig. Haaayyy, those were the days.

Baker Boy

Naaalala ko nung Kinder ako, may apat na malalaking mesa sa kuwarto. Lagi ako naka-upo sa may blue table o kaya sa green. Ayaw na ayaw ko dun sa pink at yellow puro kasi babae dun. Nung Graduaton Day naging “Baker” ang papel ko at binigyan ako ng apat na linya para bigkasin sa ibabaw ng entablado.

“A cake for mother

A cake for father

A cake for baby

And that makes three”

Pagkatapos non, nilafung namin yung cake na nasa tray na kani-naina lang ay pinaghirapan kong balansehin ng isang kamay habang nag-i-interpretative dance yung kanan sa saliw ng aking masalimuot na tula.

It’s A Rainy Day

Noong Grade 1 naging teacher ko yung pinaka-nakaka-stroke na guro sa mundong-ibabaw , si Binibining Mona Lisa. Para kasi siyang painting, tipong lahat ng features ng mukha niya iginuhit lang, yung kilay, pisngi, nguso, kahit mga mata. Minsan ang hirap tantsahin kung masaya ba siya o galit, kung tama ba o mali ang sagot mo sa 5+2, kung bakit niya hinahanap ang pamburang kababato lang niya kanina sa isa pang pupil, gagamitin ba iya ito sa blackboard o sa mukha niya, para naman makapagguhit pa siya ng ibang facial expressions.

Mayroong mga araw na hindi pantay ang pagkakalinya ng mga kilay niya, kasabay sa pagkakakapal ng foundation at blush-on, at pagakakapula ng mga labi. Nagmumukha siyang nagtataray na Geisha o kaya ay Kabuki warrior pag gustong kumain ng bata.

Minsang umulan eh kelangan pa rin naming mag flag ceremony sa loob ng classroom kahit walang flag. Eh nagkataong ma-wee-wee-wee na ako. Noon ko lang napansin na ang haba-haba pala ng mga seremonyas: sisimulan ng “Good morning teachers, good morning classmates!”, magdadasal, tapos “Lupang Hinirang”, tapos aawit ng “Ako ay Pilipino”, bibigkasin ang “Panatang Makabayan”, aawitin ang “Rizal, Rizal Mabuhay” ang anthem ng lalawigan, may morning exercises pa, kung nasa grounds kami sasabayan pa namin ang kantang “Let’s Get Physical”, kasumpa-sumpa ang jumping jacks nung mga oras na iyon.

Nakahinga ako ng malalim ng matapos ang lahat, itataas ko na sana ang kamay ko para mag-”may-i-go-out”, kaso nagtanong si Binibining Mona Lisa. “Pupils, today is…?”

Sabay-sabay sumagot ang aking mga kaklase na walang kamalay-malay sa nangyayari sa kaibuturan ng aking umaapelang pantog, tila nananadyang banatin ang bawat syllable ng bawat salita.

“To-daaay ees Fri-daaay, Ju-ly 13th 1990, eets a Rai-ny daaay. Yes-ter-daaay waaas Thurs-daaay and tomorrow weeell bee Sa-tur-daaay”

Sa pagitan ng mga salitang “Rainy” at “day ay naihi ako saking kinatatayuan.

“Classmates, tignan niyo o”, sabi ko, sabay yuko at tingin sa mumutning lawa na gawa ko, “umihi ako”. Pakiramdam ko ako si Steve-O, isang jack-ass na laging nakakatakas sa kung anumang kabulastugan. Natigil lang ang tawanan nung makita ko ang pares ng kamay ni Binibining Mona Lisa na nakapamewang mula sa aking pagkakayukyok, habang itinatampisaw ang tungki ng kaniyang sapatos sa dalampasigan ng aking mainit-init pang weewee. Hindi ko na siya tinignan, alam ko na noong mga sandaling iyon ay Kabuki siya at ako ang kanyang baon sa recess. Simula noon naniwala na ako na malas ang Friday the 13th.

Aalog-alog

Ang ginawa kong ito ay na-upstage ng isa pang mas seryosong trahedya. Katabi ko sa desk ay isang batang babaeng kahit walang sinasabi ay laging nakanganga, para bang lagi kang may ikinikuwentong kamangha-mangha, pero mapapansin mo na lang na malamlam ang kaniyang mga mata at may reservoir ng sariwang laway na salu-salo ng kaniyang labi, tanda ng pagkabagot. Okay lang iyon basta wag siyang hahatsing habang kaharap ako. Pero ang talagang nakakairita sa kaniya ay mahilig siyang manguyakoy, kaya nagiging imposible para sa akin ang magsulat ng tuwid at mabilis. Kinekelangan ko muna hintaying tumigil ang pag-uga ng desk bago mag-umpisa.

Isang beses eh talaga namang parang needle point ng Lie Detector Test ang lapis ko na (nakakabit kay Abalos) nakasamsam ng matinding kasinungalingan sa sobrang pag-alog ng upuan. “Ano ba?!? Imbey ka ah! Stop doing that!” irita kong saway sa kaniya. “Hindi kaya ako”, malaway-laway niyang sagot. Tsaka ko lang napansin na yung buong row namin umaalog, yung buong kuwarto namin umaalog, si Binibining Mona Lisa umaalog din, pwera lang ang kaniyang face, kabug ang botox. Ang buong eskwelahan ay mukhang lalamunin na ng lupa. Iyon ang pinakamalakas na lindol na yumanig sa Pilipinas.

“To-daaay ees Mon-daaay, Ju-ly 16th 1990, eets a, uhmmm, Quakey daaay. Yes-ter-daaay waaas Sun-daaay and tomorrow weeell bee Tues-daaay”

Abangan ang mga susunod na baitang bukas…

o r g y

  • 20,314 used condoms

f i l l i b u s t e r o

f i l l y o u i n

si f i l l, isang drop-out at may akda ng blog na ito, ay nangangarap na maging isang magaling na manunulat. ngayu'y siya'y nagkukumahog magtrabaho para makabalik ng kolehiyo at makapag-aral ng kurso sa malikhaing pagsusulat. pero sa ngayon ay kuntento na siya sa paglalahad ng mga nangyayari sa kaniyang buhay sa pamamagitan ng elfillibusterismo, isang talaan ng mga kuwentong sumasalamin sa buhay ng isang homosewkswal na pilipino, sulating pinagtutuunan niya ng pansin at pinagbubuhusan ng pagmamahal at talino. umaasa na sana'y mahasa ng lubusan ang kaniyang talento upang makapaglabas ng libro, makapasulat ng kuwentong pampelikula, maging inspirasyon at maging bukambibig ng hindi lang ng buong sangkabaklaan kundi ng buong sambayanan. seryoso. char!

m a k i b a k l a

y e s t e r

f i l l i c k r

In Pursuit Of HOLYness

Flowah Powah

Ah! Pahiyas! Belat!

More Photos